Bundokera ako. Eh ikaw?

“Nakaakyat lang ng isang bundok, mountaineer na?”

“Ilan na ba naakyat mo?”

“Ano na ba pinakamataas mong naakyat? Ilang MASL ba yan?”

“Pang mountaineer ba yang mga gamit mo?”

“Yan ba dapat ang suot ng bundokera?”

Hindi ko alam bakit napakalaking bagay ng mga katanungan na ito para sa iba. Talaga bang may sukatan para matawag mo ang sarili mo sa kung paano mang nais mong matawag ka?

batolusong50

Nalimutan na siguro ng iba kung ano talaga ang dapat na bigyang importansya ng mga taong umaakyat ng bundok.

Para sa akin, wala sa dami o taas ng naakyat ang basehan kung isa ka na ngang lehitimong “mountaineer”. Isa o sampung bundok man ang naakyat mo na, hanggat nasa puso mo ang pangangalaga at pag-iingat sa mga kabundukan, hindi lamang sa Pilipinas kundi kung saang bundok ka man dalhin ng iyong mga paa, isa kang bundokero o bundokera.

p_20160501_055837-01.jpeg

Kung aakyat ka para lamang magkaroon ng larawan kasama ang kalikasan ngunit mag-iiwan ka naman ng mga bagay na hindi kapakipakinabang para sa kapaligiran, sa tingin mo ay nasa tama kang pupuntahan? Hindi kaya dapat mag-photoshop ka nalang?

Sa aking paniniwala, hindi kailan man nagbigay ng “requirements” ang mga kabundukan bago natin sila maakyat. Hindi nila tayo pipigilan kung hindi tayo naka-hiking bag, shoes o pants. Kailanman hindi nila tayo pipigilan na sabihing “mountaineer” tayo kahit unang akyat palang naman ang nagagawa natin. Hindi.

20160507_165001

Ang tangi lang nilang hiling ay tayo’y maging responsableng “tagapangalaga ng kabundukan”. Kapalit ng gandang ipinapakita nila sa atin, ang nais lang nila ay mapanatili natin ang gandang ito sa bawat pagtatapos ng ating bawat akyat.

Hindi ko alam kung ano ang nag-undyok sa akin na maisulat ito. Siguro, nais ko lang maiparating sa iba ang paalala na hindi lamang tayo ang may karapatan na  madama ang kasiyahang dulot ng nakakapagod na paglalakad. Siguro, hindi ko lang din maintindihan ang mga taong walang malasakit sa mga lugar na kanilang pinupuntahan. Siguro, unti-unti na rin akong naniniwala, na baka nga tayo ang “sakit” na papatay sa bawat magagandang lugar na ating mapupuntahan.

20160528_101614-01

Pero, may pagkakataon pa. Sa bawat isang tao na mapapaalalahanan ng ating obligasyon sa bawat akyat, sa bawat paglalakbay, at maisasagawa ito, sigurado akong mas higit pa ang ibabalik ng Inang Kalikasan sa atin. Nakakatuwang isipin, hindi ba, na dadating ang panahon na mas madami pa tayong madidiskubreng magagandang paraiso na maari nating makita?

Nawa’y mailagay natin sa ating puso at isipan ang pangalagaan ang mga kagandahang nakikita ng ating mga mata upang mabigyan din natin ng pagkakataon ang susunod na henerasyon na maramdaman ang pagkamanghang ating nararanasan sa tuwing makikita natin ang luntiang kagandahang taglay ng ating kapaligiran.

Ngayon, bundokera ako. Eh ikaw ba?

signature.jpg

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s