Siguro nga: #WalangForever

 

“Just when you’re starting to believe in Forever, somebody comes and breaks your heart.”

Naaalala ka pa kaya nya? Sumasagi ba minsan sa isip nya yung mga masasayang panahon na meron kayo noon? Kase sayo, oo. Madalas. Halos araw-araw. Di mo alam kung naka-move on ka na ba o pinipilit mo lang isipin na naka-move on kana nga.

Ganyan pala talaga siguro no kapag iniwanan ka? Iniwanan ka nung taong nagpaniwala sayo na kayo na, sya na, ikaw na. Na kahit anong pagsubok hindi sya bibitaw pero, binitawan ka nya.

Alam mo okay ka naman na eh, but there are times that memories hit you through your mind, down through your heart.

Naaalala ka pa kaya nya? Ganyan lang talaga siguro pag nagmahal ka ng totoo, ng buo. Love can’t just go away easily. Kase kung ikaw sana, you don’t want that to go away, you actually want that to stay, for good. But he left you with no choice but to accept the fact that everything are just memories now. Mga alaala na dapat kalimutan na.

Hindi mo alam pero di mo din maintindihan kung bakit kahit nasaktan ka, kung sakaling babalik sya, mamahalin mo pa din sya ulit. Ganyan nga lang talaga siguro pag grabe yung pagmamahal na binigay mo sa tao, na nakita mo na yung sarili mong sya na ang makakasama mo habangbuhay. Pero wala. INIWAN ka nya.

Minsan naiisip mo, bakit ganun? Hindi naman ikaw yung pumilit na pumasok sa buhay nya. Sya yung kumatok sa pinto ng mundo mo. Pero bakit ikaw yung kailangang makaramdam ngayon ng sakit?

Alam mong mali. Mali na umasa pa. Maling isipin na naiisip ka pa din nya. Maling isipin na baka mahal ka pa din nya. Kase, HINDI NA. Di na dapat iniisip na “baka ganito, baka ganyan” dahil ang dapat nalang isipin at gawin ay ang makalimutan. Kalimutan nang lahat.

Okay ka na. Alam mong okay ka na. May mga pagkakataon lang talaga na bumabalik pa din yung sakit. Yung pinagdaanan ng puso mo. Kaya parang ayaw mo na. Natakot kana namang muli.

Hindi kayo si Popoy at si Basha, o si Miggy at si Laida o sa pagkakataong ito, si Ethan at si Mia. Kaya, tigilan mo na ang pag-asang baka meron pa. Isarado mo na ang puso mo sa kanya, para mabuksan mo na yung pinto ng mga posibilidad ng buhay na meron ka.

20151225_201453-1.jpg

Oo, sa ngayon, bukod sa pamilya, kaibigan at sa Panginoon, #WalangForever. Sa ngayon ay oo, #WalangForever nga siguro. Pero alam mong balang-araw, ibibigay sayo ni God ang kasagutan o dahilan kung bakit mo naramdaman at naranasan lahat ng yan. – A

xoxo,
signature

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s